Skip to content
marahuyo
All works
PoemJanuary 26, 20262 min · 436 words

reqs that i passed (but u didnt)

akala ko groupwork, 'di pala.

Cover for reqs that i passed (but u didnt)

bakit.
ang hilig nating magtanong ng bakit, 'no?
like we’re conditioned to look for the thesis statement of every heartbreak.
ganun naman tinuturo sa classes, 'di ba?
find the root cause.
analyze the text.
deconstruct the narrative.

so, eto. dine-deconstruct kita.

bakit ka nag-yaya mag-coffee sa 7/11 nung finals week?
sabi mo, "aral tayo."
pero gago, you spent three hours talking about your ex.
yung ex mo na "toxic" kamo pero siya pa rin wallpaper mo.
nakinig lang ako.
my readings were open. page 42.
hindi ako lumipat ng page.
pinanood lang kita mag-rant habang lumalamig yung kape ko.
lasang lupa yung kape. pero inubos ko.
kasi libre mo.
or, well, "utang" mo daw.
(hindi mo naman binayaran.)

bakit mo hinawakan yung kamay ko sa bel?
hindi 'to romantic scene, okay.
madulas lang. umulan. putik everywhere.
nadulas ako, you grabbed my hand.
reflex lang naman, 'di ba?
pero bakit hindi ka bumitaw nung nakatayo na ‘ko?
tumagal ng... five seconds? ten?
ang init ng palad mo.
ang lagkit.
pawis o humidity, ewan.
tapos tumawa ka lang. "clumsy," sabi mo.
tapos binitawan mo na.
parang wala lang.
na para bang hindi ko 'yon uulitin sa utak ko.

bakit mo sineen yung last chat ko?
not the recent one.
yung tunay na last chat.
yung mahaba. yung, "uy, i think i like you."
tangina, ang corny ko dun.
pero totoo naman.
sineen mo lang.
tapos kinabukasan, nag-reply ka ng meme.
meme ng pusa.
walang acknowledgement.
walang "sorry."
walang "hindi tayo talo."
meme lang.
tinawanan ko. ni-heart react ko pa.
kasi ano bang magagawa ko?
mag-demand?
e ano mo ba 'ko?
taga-send lang ng notes?
taga-buhat ng groupworks?
emotional shock absorber pag malungkot ka?

bakit ako nandito ngayon sa pila ng jeep sa katipunan?
alas onse na.
ang haba ng pila. amoy usok. amoy pagod.
nakita kita kanina.
sa may sakayan ng taxi.
kasama siya.
yung bago.
hindi yung ex mo. bago naman.
naka-akbay ka.
naka-ngiti ka.
yung ngiting hindi mo binibigay sa'kin pag nag-aaral tayo.
yung ngiting pahinga.
sa'kin kasi, puro ka lang trabaho.
puro ka lang pagod.

bakit hindi ako sumigaw?
bakit hindi kita nilapitan at sinumbatan?
kasi pagod na rin ako.
masyado nang mahal mabuhay para mag-aksaya ng energy sa'yo.
kaya pumila na lang ako.
sumakay ng jeep.
siksikan.
amoy pawis ng katabi ko.
pero okay lang.
sanay naman ako sa masikip.
sanay naman ako sa almost.

bakit?
ewan.
basta ang alam ko lang, ang bigat ng bag ko.
ang dami ko pang readings.
at wala ka na.

kahit hindi naman naging tayo.
wala ka na.
pero bakit ako pa rin yung nagbayad... para sa dalawa?